Buwan Ng Wikang Pambansa Ipinagdiwang

Ang Cuenca National High School sa pamumuno ng kanilang tagapayo na si G. Rodolfo S. Estoesta at ng mga opisyales ng Filipino Club ay naki-isa sa pagdiriwang ng Buwan Ng Wikang Pambansa.
Nagsimula ang pagdiriwang noong ika-5 ng Agostong magdaos ng Timpalak – Bigkasan sa kanilang silid-aralan gamit ang Pambansang Wika sa paksang “Ang Wika ay Ilaw at LAkas sa Tuwid na Landas”. Idinaos ng mga mag-aaral ang Timpalak-Bigkasan sa kanilang asignaturang Filipino dahils sa pagpapahalaga sa ating Pambansang Wika. Sa mga mag-aaral marami silang natututnan sa pagdaraos ng Timpalak-Bigkasan. SIla ay nasiyahan sa isang bagay na nagbibigay aral sa kanila dahil dito napag-aaralan nila kung paano gumawa ng sarili nilang bigkasan na ito ang magbibigay papuri at pagtangkilik sa ating wika.
Isinunod ang Dula-dulaan noong ika-12 ng Agosto na naglalarawan ng paksa gamit ang wikang Filipino. Ito’y itinanghal para sa pagpapatupad ng kaunlaran at disiplina para sa mga mag-aaral.
Pagkatapos ng pagtatanghal ng dula-dulaan sumunod and debate na sinimulan noong ika-19 ng Agosto na nagapanp sa loob ng klase sa asignaturang Filipino ng bawat taon.
Naganap ang palatuntunang pangwakas noong ika- 26 ng Agosto sa temang, “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas”. Sa araw na iyon naghanda ang Filipino Club ng iba’t ibang palaro kagaya ng Katutubong Sayaw, Awit, Sabayang Pagbigkas, Pagguhit at Lutong Pinoy.
Sa pagtatapos ng programa, lahat ay nagsaya at nagdiwang sa matagumpay na pagkakaganap ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s